
Isang bagong adventure ang haharapin ng Sparkle actress na si Sofia Pablo matapos inanunsyo kahapon na isa siya sa bagong housemate sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'
Makikilala na ng mga Kapuso at Kapamilya si Sofia na tinaguriang 'Ang Strong-willed Sunshine ng Quezon City.'
Ang ka-loveteam ni Sofia na si Allen Ansay, sunod-sunod naman ang post sa Instagram Story para suportahan ang young actress.
Bago pumasok sa Bahay ni Kuya si Sofia Pablo, busy sila ni Allen Ansay sa shooting para sa GMA Films horror flick na Huwag Kang Titingin.
Ilan sa proyekto na pinagsamahan nina Sofia at Allen ang sitcom na Open 24/7 at primetime series na Luv Is: Caught in His Arms.
RELATED CONTENT: LOOK: Sweetest photos of Team Jolly Allen Ansay and Sofia Pablo