GMA Logo Allen Ansay and Sofia Pablo
Source: itsmeallenansay (IG)
What's Hot

Allen Ansay, sinalubong si Sofia Pablo paglabas ng PBB house

By Mark Joseph F. Carreon
Published February 2, 2026 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Elle, aminadong may challenges pa rin sila ni Derrick sa pagganap sa serye
PRO 6 seizes over P60M illegal drugs in Jan. 2026
RUNRIO exec Andrew Neri believes marathons can help boost Philippine tourism

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay and Sofia Pablo


Hindi nagpahuli ang Kapuso heartthrob na si Allen Ansay sa pagpapakita ng suporta sa kanyang ka-love team na si Sofia Pablo matapos ang naging journey nito sa loob ng Bahay ni Kuya.

Matapos ang naganap na eviction night noong Sabado, January 31, 2026, agad na sinalubong ni Kapuso actor Allen Ansay ang Sparkle actress at ka-love team na si Sofia Pablo sa "outside world."

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Allen ang mga larawan kung saan sinalubong niya si Sofia at binigyan ng isang bouquet ng red roses.

“Welcome back Aki @sofiapablo,” sulat ni Allen sa kanyang caption.

Isa pa sa bahagi ng post ni Allen ang larawan ni Sofia na abot-langit ang ngiti habang bitbit ang bulaklak mula sa kanyang partner.

Hindi rin napigilang kiligin ng kanilang mga kapwa Sparkle artists at celebrity friends sa naturang post.

Maraming celebrities ang nag-comment sa post na ito ni Allen kabilang sina Vince Maristela, Lee Victor, Zeus Collins, at si Betong Sumaya.

“Sana all,” comment ni Vince.

“Yieeee,” ani Lee sa comments section.

“Masaya ang Valentines,” sabi naman ni Zeus.

“Welkam bak @sofiapablo. I'm amazingly proud of you,” comment naman ni Betong.

A post shared by Allen Ansay (@itsmeallenansay)



Nagtapos ang PBB journey ni Sofia matapos ma-evict kasabay ang Kapamilya housemate na si Eliza Borromeo matapos nilang makakuha ng pinakamababang boto.

Mula simula ay todo-suporta na si Allen sa bawat hakbang ni Sofia sa PBB.

Ang kanilang tambalan ay tumatak sa hit Kapuso shows gaya ng Prinsesa ng City Jail, Luv is: Caught in his Arms, at In My Dreams.

Related Gallery: Sweetest Photos of Prima Donnas Star Sofia Pablo and Allen Ansay