
Talaga namang full of surprises ang Sparkle star na si Allen Ansay!
Sa social media posts ni Sofia Pablo, ibinahagi niya ang ilang detalye sa Valentine's date surprise ni Allen para sa kanya.
Related gallery: Sofia Pablo and Allen Ansay's photos that show their special relationship
Makikita rito na hindi basta date ang inihanda ni Allen para kay Sofia kundi isang romantic beach date.
Sulat ng female Kapuso star, “Happy Valentine's y'all! Thank you, Aki, for the surprise.”
Sa kasalukuyan, mayroon ng 258,000 heart reactions ang naturang post na umani ng positive reactions mula sa fans at netizens.
Matatandaang bago pa lumabas sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, binanggit na ng ex-housemate na si Sofia na gusto niyang mag-celebrate ng Valentine's Day kasama ang mahahalagang tao para sa kanya at isa sa mga ito si Allen.
Nakilala si Sofia sa teleserye ng totoong buhay bilang Strong-willed Sunshine ng Quezon City.