GMA Logo Alma Concepcion
What's on TV

Alma Concepcion, mas lumalim ang tingin sa pag-aartista matapos lumiban sa showbiz ng ilang taon

By Jimboy Napoles
Published April 19, 2023 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sparkle stars gear up for Kapuso Countdown to 2026 performances
Man hurt after firecracker exploded in Davao Oriental
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Alma Concepcion


Limang taon na nawala sa showbiz si Alma Concepcion dahil sa kaniyang pag-aaral ng interior design.

Matapos ang limang taon, nagbabalik ngayon sa show business ang aktres na si Alma Concepcion.

Sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga kamakailan, isa si Alma sa mga choices tungkol sa mga artistang nagbalik matapos magpahinga sa showbiz ng ilang taon.

Ayon kay Alma, pansamantala siyang lumiban sa pag-aartista nang mag-aral siya ng interior design at mag-desisyong i-practice ito. Pero sa kaniyang pagbabalik-showbiz, mas lumalim umano ang kaniyang pagpapahalaga sa kaniyang trabaho bilang artista.

Aniya, “'Yung energy ko, inisip ko, wow, ipinagkatiwala sa akin itong role na ito, so whether it's small or big, talagang vina-value ko na. Hindi katulad noong bata ako na iniisip ko lang work.”

Matatandaan na kabilang si Alma sa cast ng seryeng Lolong, False Positive, at ngayon ay sa The Write One.

Pero dahil matagal na natigil sa pag-arte, hindi rin naiwasan ni Alma na pagduduhan ang kaniyang kakayahan bilang artista.

Kuwento niya, “Actually noong bumalik ako with deeper, heavier roles, there was time na I was questioning myself kasi para kang sumasakay sa bicycle na hindi mo alam kung marunong ka pa ring magpedal.

"There was a time na, 'Ay matagal na akong walang practice, marunong pa ba akong mag-memorize?' Maarami rin akong doubts sa sarili ko.”

Nagpapasalamat naman si Alma na hindi naman naalis sa kaniya ang kahusayan sa pag-arte.

“'Yung maturity mo as an actor, nag-iiba rin as you mature in life,” saad ni Alma.

Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

Bisitahin din ang GMANetwork.com at ang social media accounts ng Eat Bulaga para sa iba pang updates.