GMA Logo Alma Concepcion
Source: alma.concepcion
What's Hot

Alma Concepcion, nakagat sa mukha ng kanyang aso

By Marah Ruiz
Published March 1, 2025 2:32 PM PHT
Updated March 1, 2025 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Alma Concepcion


Nakagat sa mukha si Alma Concepcion ng kanyang alagang aso. Bago nito, nakagat na rin ng aso ang anak niya sa hiwalay na insidente.

Ibinahagi ng aktres na si Alma Concepcion ang isang karanasan niya sa kanyang alagang aso kamakailan.

Sa isang maikling video na posted niya sa Instagram, ipinakita ni Alma ang pagpapabakuna niya sa isang health center.

Nakagat kasi siya ng kanyang alagang aso na si Sniper. Ipinakita niya ang kuha sa sarili noong sariwa pa ang kagat sa kanyang mukha at may kaunti pang dugo.


Sa pagpapatuloy ng video, nasa health center na si Alma at tinurukan sa kanyang braso at maging sa kanyang mukha.

"Yesterday morning, i was cuddling my dog and then he bit me. It was my first time to be bitten (but prior to this, he also bit my son Cobie when Cobie accidentally leaned on to him). I was just hugging him & resting my head on his shoulder when this happened," paliwanag niya tungkol sa insidente.

Malungkot man, tanggap din daw niyang kailangan ng malaking pagbabago sa pakikitungo nila sa kanilang aso para maiwasang maulit ang pangangagat nito.

"My dog (Sniper) grew up with me since he was 4 months old (and now he is 4yo. ). Lesson for us here in the house, that we wont cuddle him anymore. Probably we can just pet him & give him some carressing but definitely no more hugging from now on. Im sad on this change. But over-all he is kind. He's potty trained and with the looks of it, he is very sorry (he doesnt jump to my bed anymore). He used to sleep with me on my bed but i think i have to stop that also since this might happen again if my legs accidentally moves while im asleep," lahad ni Alma.

Ipinaliwanag din niya ang ilang mga bagay na natutunan niya dahil sa insidente.

Dahil kumpleto sa bakuna si Sniper, hindi kinailangang isugod si Alma sa ospital bilang emergency case.

"Btw he is vaccinated. And i learned so much from Nurse Jun & Dr. Joel of Batasan Hills Super Health Center that getting a vaccination after a bite IS NOT an emergency thing. As long as you get your shots as soon as you can (getting within 24 hour period is NOT TRUE at all), is fine. My bite was 2:24 am of sunday & i got my shots 9am monday. So guys, dont panic, you can get your shots even the next day or two. As long as it is before the 10th day," bahagi niya.

Ipinaalala din ni Alma na may libreng bakuna para sa kagat ng aso sa iba't ibang lugar sa bansa.

"And of course the government has free injections, just google the one in your district. In qc they have one on each district. So yes, my son & i got ours for FREE! Hayyyyy Sniper talaga hope these infos help! Happy monday!" pagtatapos ng kanyang post.

A post shared by Alma Concepcion (@alma.concepcion)


Nasa maayos na lagay naman si Alma at ang kanyang anak na si Cobie. Nanantili din sweet sa kanilang ang alagang asong si Sniper.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Alma sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Nagbalik siya para sa pangalawang season ng serye bilang Ines, ang tiyahin ni Lolong (Ruru Madrid) na isa nang manggagamot.

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.