
Sa gitna ng beauty pageant frenzy dahil sa pagkakapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe, isang video mula sa Miss International 1994 competition ang kumakalat ngayon sa social media.
READ: Catriona Gray gets excited to have Filipino food again in New York
Makikita sa naturang video na uploaded sa Pinoy Pop CoolTure page ang ilang kalahok ng Miss International 1994 na sumasayaw para sa swimsuit segment. Ang aktres na si Alma Concepcion ang pambato ng Pilipinas dito.
Dahil sa comments ng netizens tungkol sa dancing skills ng contestants, hindi naiwasan ni Alma na mag-react sa video, na may higit 500,000 views na.
Ginanap ang Miss International 1994 sa Mie, Japan, kung saan naging semi-finalist si Alma. Si Christina Lekka ng Greece ang nakakuha ng korona.