GMA Logo alma moreno and vandolph on tadhana
What's on TV

Alma Moreno at Vandolph, mapanonood sa 'Tadhana: Fake Healer'

By Bianca Geli
Published May 21, 2021 6:37 PM PHT
Updated May 21, 2021 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

alma moreno and vandolph on tadhana


Isang ina na kasapi ng kulto, nadiskubre ang nakasusuklam na katotohanan sa pagkatao ng kanilang lider. Huli na kaya ang lahat?

Ngayong Linggo sa Tadhana, matapos sumali sa kulto si Aurora (Alma Moreno), inakala nyang sinapian ng demonyo ang kanyang mga anak.

Kaya hinayaan niya ng ikulong ang kanyang mga anak sa lider ng kanilang kulto na si La Verdad (Samantha Lopez).

Nilatigo, iginapos, ikinulong sa maliit na kubo, at hindi pinapakain nang maayos ang mga anak ni Aurora.

Ngunit hinayaan niya lang ito dahil sa paniniwalang paraan ito para maalis ang mga masasamang espiritu na diumano sumapi sa kanyang mga anak.

Hindi lang si Ian (Jeremy Sabido), na may malubhang sakit sa pag-iisip ang ipinagpakasakit niya.

Dinamay rin niya ang anak na OFW na si Mateo (Vandolf Quizon) at ang asawa nitong Erin Ocampo).

Hanggang kailan kakapit si Aurora sa babaeng "propeta"? Mabubunyag na ba ang panloloko ng pekeng manggagamot?
Saksihan ang paghuhukom ngayong Sabado sa Tadhana: Fake Healer Part 2.

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa ikalawang yugto ng Tadhana: Fake Healer Part 2, ngayong Sabado, May 22, 3:15 PM sa GMA-7!