GMA Logo Family Feud
What's on TV

Alodia Gosiengfiao at kilalang gamers, sasabak sa ibang klaseng game ngayong hapon sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published March 25, 2026 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cup of Joe adds more seats for ‘Sandali’ concert in May
93 housing beneficiaries in Iloilo City lose privilege
'Bridgerton' Season 5 is in production, to feature sapphic leads

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang exciting showdown ng Team Black Rose at Team Surewin sa 'Family Feud' ngayong March 25.

Popular pro gamers at e-sports content creators ang magtatapat sa pagpapatuloy ng “Four-ever ang tawa, Four-ever ang saya” anniversary ng Family Feud.

Ngayong March 25, abangan ang masayang episode kung saan magpapakita ng husay sa Family Feud stage ang mga hinahangaang personalidad sa e-sports at online gaming community.

Tampok sa Team Black Rose ang kilalang Cosplay Queen of the Philippines na si Alodia Gosiengfiao, na kilala worldwide sa cosplay, gaming, and hosting. Ang pangalan ng kanilang team ay inspired sa mysterious and powerful organization mula sa video game na League of Legends.

Makakasama ni Alodia sa Team Black Rose ang kaniyang asawa at businessman sa wine industry na si Chris Quimbo; ang kaniyang kapatid na nag-e-explore ng spirituality and metaphysics na si Ashley Gosiengfiao; at ang kanilang kaibigan na si Dexie Diaz na may 11 million followers online at isang car enthusiast.

Makakaharap nila sa Family Feud stage ang Team Surewin na kinabibilangan ng ilang gaming personalities na sina Razzie Binx, Amara TV, Jill Santos, at Vill Villaseran.

Si Razzie Binx ay kilala sa satirical gaming content at sa kaniyang horror game streams; si Amara TV ay isang gamer at may hobby na rock climbing; at ang tech reviewer and shoutcaster na si Vill Villaseran.

Saksihan ang Wednesday showdown na ito sa Family Feud ngayong March 25, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.