What's on TV

Alona o Perlas: Kanino mas nakaka-relate si Louise delos Reyes?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 7:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Napolcom slams injury of 7 cops in Labor Day protests
Authorities probe death of 13 dogs in San Miguel, Iloilo
BINI and Thalia interact at Billboard Women in Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Sa programang 'Kambal Sirena', dalawa ang ginagampanan ng aktres na si Louise delos Reyes. Ito ay ang kambal na sina Alona at Perlas. Kanino nga ba mas nakaka-relate ang dalaga?

Sa programang Kambal Sirena, dalawa ang ginagampanan ng aktres na si Louise delos Reyes. Ito ay ang kambal na sina Alona at Perlas. Kanino nga ba mas nakaka-relate ang dalaga?

Kuwento ni Louise, para maging epektibo ang kanyang pagganap bilang Alona at Perlas, hinati niya ang kanyang personality sa dalawa.

“Kasi siyempre sinasabi nga nila mayroon tayong yin and yang. So, si Alona kasi siya 'yung the feisty one, siya 'yung palaban. Mayroon akong side na ganoon. So sinet aside ko siya as Alona. Tapos mayroon naman akong madaling ma-discourage, pero alam mo 'yung inosente pa rin. So siya si Perlas”.

Dagdag ni Louise, nakakarelate siya sa kambal dahil nga hinati niya ang kanyang sarili para sa roles. Pero mas matimbang umano si Alona dahil madali rin siyang masaktan. “Tapos kapag nasasaktan ako, mahirap akong makalimot. ‘Yun talaga. So ‘yun, si Alona kasi ganoon 'yung character niya, si Perlas madali siyang magpatawad which is ganoon rin naman ako. Mas nagtatanim ako ng galit, 'di joke lang,” biro ni Louise.

Ayon kay Louise, ang galit umano niya nangyayari lamang kapag nasaktan siya ng sobra. “Kung forgivable naman ‘yung ginawa ng tao, at nakita ko na nagsisisi na siya, siyempre magpapatawad na rin ako,” saad ng aktres.

Aminado naman si Louise na mahirap gampanan ang dual role dahil may pagkakataong makakaramdam ka ng pagkalito. Dagdag ni Louise, “lalo na sa pakikipag-interact mo with other characters. So iba-iba yung atake mo dapat kapag kaharap ang ibang characters. Tinutulungan naman ako ng director namin kaya nagiging madali siya”.

Abangan si Louise delos Reyes sa kanyang pagganap bilang Alona at Perlas sa Kambal Sirena, Monday to Friday pagkatapos ng 24 Oras.

Para sa iba pang updates mula kay Louise delos Reyes at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com