What's Hot

Alone/Together nina Liza Soberano at Enrique Gil, tampok sa GMA ngayong Black Saturday

By Marah Ruiz
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated April 12, 2022 2:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Enrique Gil and Liza Soberano


First time mapapanood sa GMA ngayong Black Saturday ang 'Alone/Together' nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Mapapanood na for the first time sa GMA ang romantic drama film na Alone/Together na pinagbidahan ng popular na love team nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ang pelikulang ito ang pangalawang Star Cinema movie na mapapanood sa GMA matapos ang landmark deal nito with ABS-CBN.

Written and directed by award-winning filmmaker Antoinette Jadaone, kuwento ito ng ex-lovers na muling magkikita limang taon matapos nilang maghiwalay.

Alone Together


Si Liza ay ang art student na si Tin, habang si Enrique naman ay si Raf na nag-aaral ng biology bago tumuloy sa medicine.

Masusubukan ang relasyon nila bilang college sweethearts dahil sa pressure sa trabaho ni Tin. Mauuwi sila sa hiwalayan dahil madisismaya si Tin nang hindi na naman maka-graduate si Raf.

After five years, may kanya-kanya na silang ng significant others. 'Di inaasahang magkikita sila muli sa isang art awarding ceremony.

Ito na ba ang magpapalutang ng residual feelings nina Tin at Raf para sa isa't isa?

Umani ng parangal ang Alone/Together para sa lead stars nitong sina Liza at Enrique.

Hinirang na Most Influential Film Actor of the Year si Enrique, habang Most Influential Film Actress of the Year naman si Liza sa 9th EdukCircle Awards nong 2019.

Sa 51st GMMSF Box-Office Entertainment Awards naman noong 2020, kinilala si Enrique bilang Prince of Philippine Movies and Television at si Liza naman ang Princess of Philippine Movies and Television. Napili din ng tamabalan nila bilang Most Popular Love Team for Movies.

Bukod kina Liza at Enrique, tampok din sa Alone/Together sina Jasmine Curtis-Smith, Nonie Buencamino, and Adrian Alandy.

Huwag palampasin ang Alone/Together sa Black Saturday, April 16, 7:00 p.m. sa GMA.

Samantala, silipin ang iba pang mga Kapamilya stars na dapat abangan sa GMA very soon: