GMA Logo Althea Ablan and Abdul Raman
What's on TV

Althea Ablan at Abdul Raman, hindi nahirapan sa kanilang first team up sa 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published October 29, 2024 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan and Abdul Raman


Ano kaya ang masasabi nina Althea Ablan at Abdul Raman sa kanilang unang love team sa 'Forever Young'?

Kapwa hindi nahirapan sina Althea Ablan at Abdul Raman sa una nilang team up para sa afternoon series na Forever Young.

Sa interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Althea Ablan na ito ang unang love team nila ni Abdul Raman sa isang serye at, aniya, hindi siya nahirapang makatrabaho ang aktor.

"Bago po nagsimula ang show mayroon kaming workshop--ang siblings and, of course, with Abdul," sabi ni Althea.

"First time namin maging love team o partner pero nagka-work na kami sa Arabella, pero iba naman 'yung partner niya. Well si Abdul hindi naman siya mahirap katrabaho at nag-a-adjust talaga siya," dagdag niya.

Para naman kay Abdul Raman, hindi rin siya nahirapan na makatrabaho si Althea Ablan dahil sa husay nito sa kanilang mga eksena.

"Para sa akin, it's really not hard to work with each other. Personally, she's a really wonderful lady," ani Abdul. "Hindi mahirap sa akin na makahanap ng anything nakakapagpakilig sa akin base on visuals alone.

"Noong gumagawa na kami ng mga eksena napansin ko kay Althea magaling siya magbigay, magaling siya mag-receive so it was not hard at all na makatrabaho siya. I would love to see more projects with her."

Sa inspiring family drama na Forever Young, napapanood si Althea Ablan bilang Raine, ang supportive na nakababatang kapatid ni Rambo (Euwenn Mikaell), habang gumaganap naman si Abdul Raman bilang Joryl, apo ni Esmeralda (Eula Valdes) na maloko sa babae pero magbabago nang ma-in love kay Raine.

Patuloy na subaybayan sina Althea Ablan at Abdul Raman sa Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: