
Ang young Sparkle stars na sina Althea Ablan at Bruce Roeland ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Sa "My Boss, My Love," si Althea ay si Tanya, anak ng caretaker ng isang hacienda.
Excited siya nang malaman na uuwi sa Pilipinas mula sa Belgium ang kanyang childhood crush at apo ng may-ari ng hacienda na si Tim, role naman ni Bruce.
Very open si Tanya sa pagpapakita ng interes niya kay Tim, at wine-welcome naman ni Tim ang atensiyon ni Tanya.
Magiging close ang dalawa pero ano'ng mangyayari sa oras na kailangan nang bumalik si Tim sa Scotland?
Bukod dito, matatanggap ba ng mga taong nakapaligid sa kanila ang kaibahan ng estado nila sa buhay?
Abangan ang "My Boss, My Love," April 3, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.