
Sina Althea Alblan at Chuckie Dreyfus ang bibida sa bagong episode at Father's Day special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Changing Lives," gaganap sila bilang mag-amang magba-body swap.
Si Chuckie ay si Jayden, isang chef at businessman. Si Althea naman ang anak niyang si Reign.
Laging busy si Jayden sa trabaho kaya hindi makapag-open up si Reign tungkol sa mga karanasan niya sa school, mga hobbies na hilig niya, o mga kaibigang mahalaga sa kanya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, magkakapalit ng katawan ang mag-ama!
Ano kaya nag matututunan nila tungkol sa buhay ng isa't isa?
Huwag palampasin ang bagong episode na "Changing Lives," June 15, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.--