What's on TV

Althea Ablan at Chuckie Dreyfus, bibida sa Father's Day special na 'Regal Studio Presents: Changing Lives'

By Marah Ruiz
Published June 13, 2025 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Regal Studio Presents


Gaganap sina Althea Ablan at Chuckie Dreyfus bilang mag-amang magba-body swap sa Father's Day special na 'Regal Studio Presents: Changing Lives.'

Sina Althea Alblan at Chuckie Dreyfus ang bibida sa bagong episode at Father's Day special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Sa episode na pinamagatang "Changing Lives," gaganap sila bilang mag-amang magba-body swap.



Si Chuckie ay si Jayden, isang chef at businessman. Si Althea naman ang anak niyang si Reign.

Laging busy si Jayden sa trabaho kaya hindi makapag-open up si Reign tungkol sa mga karanasan niya sa school, mga hobbies na hilig niya, o mga kaibigang mahalaga sa kanya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, magkakapalit ng katawan ang mag-ama!

Ano kaya nag matututunan nila tungkol sa buhay ng isa't isa?

Huwag palampasin ang bagong episode na "Changing Lives," June 15, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.

Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.--