GMA Logo Althea Ablan and Elijah Alejo bid goodbye to Prima Donnas
What's on TV

Althea Ablan at Elijah Alejo, may mensahe sa mga manonood ng 'Prima Donnas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 15, 2021 2:08 PM PHT
Updated February 15, 2021 8:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UN completes investigation into ICC prosecutor Khan's alleged sexual misconduct
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan and Elijah Alejo bid goodbye to Prima Donnas


Huling linggo na ng 'Prima Donnas' kaya naman may mensahe ng pasasalamat sina Althea Ablan at Elijah Alejo para sa mga manonood.

Taos-pusong pasasalamat ang handog ng mga bida ng Prima Donnas na sina Althea Ablan at Elijah Alejo sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang programa ngayong linggo.

Sa kanilang virutal grand finale reunion noong Biyernes, February 12, nagpasalamat din sina Althea at Elijah sa kanilang mga katrabaho.

Saad ni Althea, "Ayoko naman maging malungkot kasi alam ko naman na magkakasama pa rin tayo.

"And hindi natin makakalimutan 'yung isa't isa kasi mahigit isang taon tayo nagsama, ang dami nating na-treasure na memories, ang daming bonding.

"Bilang isang family talaga, 'yung 'Prima Donnas,' sobrang nakatatak siya sa heart ko sobra.

"So mahal na mahal ko kayong lahat."

A post shared by ALTHEA (@althea_ablan30)

Para naman kay Elijah, marami siyang natutunan sa kanyang mga katrabaho.

Aniya, "Maraming salamat po sa panonood ng 'Prima Donnas.'

"Mula umpisa hanggang wakas, hindi niyo kami iniwan and kasama namin kayo sa mga masasayang moments ng mga Donnas, sa mga nakakabwisit na mga plano nina Kendra at Brianna, at sa mga nakakakilig din na mga eksena nina Jaime at Lilian.

"Sa lahat po ng cast members, gusto ko pong magpasalamat po sa mga memories po na nagawa natin, sa mga chikana, sa mga salu-salo.

"And sa mga lessons as an artista and lessons in real life na natutunan namin."

A post shared by Elijah Alejo (@itselijahalejo)

May mensahe rin ang mga batikang actor na sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, at Chanda Romero.

Ani Chanda, "Salamat! Wala kami dito kung wala kayo.

"We were doing this and we will be doing this para sa inyo.

"To all the members of the cast, lahat ng nakasama ko, this is one of the most fun group that I've even been a part of.

"I love you, I love you all."

Panoorin ang kanilang madamdaming mensahe sa nalalapit na pagtatapos ng Prima Donnas.

Panoorin ang huling ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.

Mapapanood rin ang Prima Donnas sa ibang bansa sa GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa www.gmapinoytv.com para sa iba pang detalye.

Sa pagtatapos ng Prima Donnas, maraming nabuong pagkakaibigan tulad ng kanila Katrina Halili, Wendell Ramos at Aiko Melendez.

Tingnan ang kanilang mga larawan dito: