GMA Logo Althea Ablan and Hailey Mendes
What's Hot

Althea Ablan at Hailey Mendes, mapapanood sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado

By Aimee Anoc
Published August 11, 2023 4:03 PM PHT
Updated August 12, 2023 8:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

The Via Crucis (Way of the Cross) procession during Good Friday celebrations in Rome
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan and Hailey Mendes


Abangan ang natatanging pagganap nina Althea Ablan, Max Eigenmann, Maricar de Mesa, at Hailey Mendes sa 'Wish Ko Lang: Bully' ngayong Sabado sa GMA.

Magkakasama sina Sparkle stars Althea Ablan at Hailey Mendes sa bagong episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado.

Sa "Wish Ko Lang: Bully," bibigyang buhay ni Althea ang estudyanteng si Nadine, na nakaranas ng pambu-bully mula sa kaklase at pinsan nitong si Ivy, na gagampanan naman ni Hailey.

Makakasama rin nila sa episode na ito sina Max Eigenmann bilang Rachel, Maricar de Mesa bilang Jinky, Vince Crisostomo bilang Jayron, Jess Mendoza bilang Jeffrey, at Dior Veneracion.

Base sa trailer na inilabas ng Wish Ko Lang noong Huwebes (August 10), palaging nabibigyan ng parangal si Nadine (Althea) dahil sa pagiging mabuti at matalino nitong estudyante. Pero si Nadine, tila kinaiinggitan ng kanyang kaklase at pinsan na si Ivy (Hailey).

Isang araw, nagplano si Ivy ng masama at binully si Nadine. Hindi rin magkasundo ang kani-kanilang mga magulang na sina Rachel (Max) at Jinky (Maricar).

Huwag palampasin ang "Bully" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 12, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI HAILEY MENDES SA GALLERY NA ITO: