
Tampok si Kapuso star Althea Ablan at veteran actress Peewee O'Hara sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Happy Retirement Day," gaganap si Althea bilang new hire na si Anna.
Si Peewee naman ay si Teresa, restaurant manager na nalalapit na sa kanyang retirement.
Bago niya iwan ang kanyang posisyon, maaatasan si Teresa na i-train si Anna bilang kapalit niya.
Ano ang mapupulot ni Anna mula sa experience ni Teresa? May babaunin din kaya si Teresa mula sa sigasig ni Anna sa trabaho?
Huwag palampasin ang bagong episode na "Happy Retirement Day," February 8, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.