
Mapupuno ng kilig vibes ngayong Linggo dahil makakasama nina Boobay at Tekla ang real-life sweethearts na sina Althea Ablan at Prince Clemente sa The Boobay and Tekla Show.
Huwag palampasin ang exclusive peek sa love story nina Althea at Prince sa kanilang first-ever interview together on TV. Susubukan din nina Boobay at Tekla na i-recreate ang poses ng celebrity couple sa kanilang travel photos.
Maghaharap din sina Althea at Prince sa duo nina Boobay at Tekla sa nakatutuwang word game na “Guess What?!”
Bukod dito, may sorpresang naghihintay para sa guest celebrities! Kaya naman tutukan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.
Mapapanood din ang programa sa GTV sa oras na 11:05 p.m.