
Tampok sina Althea Ablan at Tanya Garcia sa bagong episode ng Regal Studio Presents ngayong Linggo.
Gaganap sila bilang mag-ina sa episode na pinamagatang "Mama's Joy."
Si Althea ay si Joy, isang ideal daughter na planado na ang future. Si Tanya naman ay si Charlotte, single mom na supportive sa kanyang anak.
Very close ang relationship ng dalawa at tila best friends na ang turingan nila.
Masusubukan ang kanilang mother-daughter bond nang malaman ni Joy na buntis si Charlotte pero ayaw nitong aminin kung sino ang ama.
Abangan ang kanilang kuwento sa "Mama's Joy," January 22, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: