What's on TV

Althea Ablan, dalagang dadanas ng walang katapusang hirap sa 'Magpakailanman

By Marah Ruiz
Published September 6, 2024 4:18 PM PHT
Updated September 6, 2024 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fans frustrated by long queues, ticket sales halt on day one of Australian Open
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan


Bibigyang-buhay ni Althea Ablan ang kuwento ng isang dalaga na dadanas ng walang katapusang pagpapahirap sa 'Magpakailanman.'

Bibida si young Kapuso actress Althea Ablan sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Alipin ng Amain," gaganap dito si Althea bilang Annaluz, isang dalagang dadanas ng walang katapusang pagpapahirap.



Inabandona ng kanyang ina si Annaluz simula noong siya ay pinanganak. Inampon naman siya ng kanyang tiyahin at tiyuhin.

Pero imbis na magandang buhay ang ibigay nila kay Annaluz, nakaranas siya ng ng physical, verbal, emotional, at sexual abuse mula sa mga ito, partikular sa kanyang tiyuhin.

Makakatakas pa ba si Annaluz sa buhay na ito?

Makakasama ni Althea Ablan sa episode sina Neil Ryan Sese, Maricar de Mesa, at Alma Concepcion sa epsiode na ito.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang brand-new episode na "Alipin ng Amain," September 7, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.