
Natutunan si Althea Ablan na malaking tulong ang comments sa kanyang pag-arte. Ibinahagi niya ito sa online show na Hangout.
Kuwento ng Prima Donnas star, ilan sa mga natutunan niya nang pumasok siya ng entertainment industry ay ang magkaroon ng confidence.
"To be confident. Sa acting kasi nae-express ko 'yung feelings ko and mas naging open-minded ako sa lahat ng bagay. Tulad ng pagtanggap ng mga itinuturo sa akin or mga advice ng mga nakakatrabaho ko."
Naniniwala umano si Althea na ang mga payo na ibinibigay sa kanya ng mga katrabaho pati na rin ng mga netizen ay makakatulong sa kanyang pagganap bilang aktres.
"Open ako sa mga suggestions, sa mga comments ng mga netizens. Ako 'yung tao na mahilig magbasa ng comments at opinions ng mga tao, mapa-negative or positive."
Para sa aktres ang comments na ito ang makakatulong sa kanya na mag-improve sa kanyang pag-arte.
"Nasa sa akin naman kasi 'yun kung tatanggapin ko siya. Dito naman tayo sa comments matututo at mai-improve natin 'yung sarili natin doon."
Related links:
IN PHOTOS: Inside 'Prima Donnas' lock-in taping
Hangout: Barbie Forteza, idol na idol ni Althea Ablan!
Hangout: Althea Ablan, napapagalitan sa taping ng 'Prima Donnas?'