GMA Logo Althea Ablan
What's on TV

Althea Ablan, ibinahagi na strict ang kanyang parents pagdating sa mga lalaki

By Dianne Mariano
Published September 15, 2021 7:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Karl Eldrew Yulo qualifies for floor exercise final in Baku leg of Gymnastics World Cup
Sayran nato ang dagan sa Panahon karong Adlawa March 5, 2026 | Balitang Bisdak
New Engines, New Faces: Meet the F1 drivers of the 2026 season

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan


Ayon kay Kapuso actress Althea Ablan, totoong strict ang kanyang parents lalo na pagdating sa boys.

Ibinahagi ni Kapuso star Althea Ablan na strict ang kanyang parents lalo na pagdating sa boys sa segment na “Mars Sharing Group: Answering Assumptions About Me” ng Mars Pa More nitong Martes.

Sa larong ito, babasahin nina Mars hosts Iya Villania-Arellano at Camille Prats-Yambao at guest Kapuso stars Althea Ablan at Will Ashley ang iba't ibang assumptions tungkol sa kanila pero pipili lamang sila ng tatlo na sasagutin.

Photo courtesy: Mars Pa More (Facebook)

Ang assumptions na binigay ng netizens kay Althea ay matakaw sobra, maarte, magastos, pikon at snobber, malapit sa mga kapatid, at mayroong strict parents.

Pinili naman ng young actress na sagutin ang assumptions na mayroong strict parents, pikon at snobber, at magastos.

“Strict parents, yes. Agree d'yan dahil only girl lang din po ako. Three brothers and then ako po, only girl,” sagot ni Althea.

"Strict yung parents ko, especially pagdating sa boys," dagdag pa niya.

Nang tanungin naman ni Iya ang aktres kung bakit niya ito nasabi, ito raw ay dahil mayroong mga sumubok na manligaw sa kanya.

“Madami din po kasi nagta-try din na manligaw and then hindi talaga pwede,” pagbahagi ni Althea.

Dagdag na tanong ng Mars host kung kailan daw kaya papayag ang mga magulang ng aktres na magkaroon ito ng manliligaw.

Wika ni Althea, “Sabi po nila 'there's a right time.'”

Samantala, aminado naman ang aktres na siya ay pikon ngunit hindi ito snobber.

Aniya, “Pikonin talaga ako, agree naman ako dyan. Snobber, hindi ako snobber.

“Kunwari nga po kapag sa Instagram, kapag may mag-message and then napindot ko lang, na-seen ko, magrereply nalang ako kaysa ma-seen ko siya.”

Ayon kay Althea, medyo magastos din daw siya dahil mahilig ito mag-order ng pagkain lalo na tuwing nasa trabaho.

“Puro order ng food and lalo na po kapag may work so mahilig talaga ako magbigay ng food,” pagbahagi ng aktres.

Panoorin ang buong episode ng Mars Pa More sa video sa itaas at alamin pa ang iba't-ibang assumptions tungkol kina Iya, Camille, Althea, at Will.

Kapag hindi naglo-load ang video sa itaas, maari itong panoorin dito.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA-7.

Samantala, muling tignan ang magagandang larawan ni Althea Ablan sa gallery na ito: