
Hindi pinalagpas ni Kapuso actress Althea Ablan ang pagkakataon na makadalo sa "Happier Than Ever" concert ng American singer-songwriter na si Billie Eilish.
Sa Instagram, proud na ibinahagi ng aktres ang kanyang "best night ever" na nagananap sa Mall of Asia Arena noong Sabado, August 13.
Makikita ang ilan sa performance ni Billie at ang saya ni Althea habang sinasabayan ang American singer sa mga kanta nito.
"I love you [Billie Eilish]. Sobrang worth it," sulat ni Althea.
Bukod kay Althea, pumunta rin sa concert na ito sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Ilan sa hit songs ni Billie Eilish ay ang "Happier Than Ever," "Bury A Friend," "Everything I Wanted," "When The Party's Over," at "Bored."
TINGNAN ANG PRETTIEST PHOTOS NI ALTHEA ABLAN DITO: