
Sweet na sweet ang naging birthday message ni Forever Young actress Althea Ablan para sa kanyang boyfriend at Kapuso hunk na si Prince Clemente, na nagdiwang ng kanyang 27th birthday noong May 18.
Sa Instagram, ipinakita ni Althea ang ilan sa sweet photos nila ni Prince at ipinarating ang birthday wish para sa aktor.
"Happy birthday to my better half, partner in crime, the love of my life and to the one person who can always make me laugh, even on my worst days. I wish you all the best moo!" sulat ng aktres.
Sa comments section, pinasalamatan ni Prince ang naging mensahe sa kanya ni Althea, "Thank you moo."
Nakatanggap din si Prince ng mga pagbati mula sa fans at ilang celebrities tulad nina Princess Aliyah, Elijah Alejo, Paul Salas, Andrew Muhlach, at Jay Arcilla.
Samantala, abangan si Althea sa upcoming series na Forever Young, na mapapanood soon sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG ILAN SA NAKAKAKILIG NA LARAWAN NINA ALTHEA ABLAN AT PRINCE CLEMENTE SA GALLERY NA ITO: