
Nagkuwento si Prima Donnas star Althea Ablan tungkol sa karanasan niya noong pumunta sila ng Mindanao noong December.
Kuwento ni Althea, buong pamilya niya ang pumunta sa Davao upang ipagdiwang ang Bagong Taon.
"Nung [December 26] umalis kami, pumunta kaming Davao, doon kasi nag-celebrate ng New Year kasama 'yung buong family so ang dami naming nag-travel, 16 ata kaming lahat," saad ni Althea.
Bukod sa Davao, pumunta rin sina Althea at ang kanyang pamilya sa Surigao at Cotabato.
"Nilibot po namin 'yung buong Mindanao, puro po kami biyahe nun. Pumunta kaming Surigao, pumunta kaming Butuan, tapos sa North Cotabato po, sa Magpet."
Dagdag pa niya, marami ang nakakakilala sa kanya sa Davao bilang si Donna Belle ng Prima Donnas.
"Sa totoo lang po, kapag merong nakakakita sa akin, ang dami pong nakakakilala sa akin, 'Uy, 'yan 'yung nasa Prima Donnas.' Tapos magpapa-picture sila.
"Nakakatuwa kasi ang dami po nilang nagpa-picture noon, and doon naman COVID-free so wala namang iniisip, safe naman."
Mapapanood ang Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.
Samantala, mas kilalanin pa si Althea sa gallery na ito: