
Aminado ang aktres na si Althea Ablan na nakahinga siya nang maluwag matapos umamin ng tunay na estado ng relasyon nila ng kapwa Kapuso na si Prince Clemente.
Madalas mag-travel sina Althea at Prince nang magkasama pero noong mag-guest lamang ang dalaga sa Fast Talk With Boy Abunda ng tunay nilang relasyon.
Direktang tinanong ni Tito Boy si Althea kung sila na nga ba ni Prince Clemente, at ang nakangiting sagot ni Althea ay "Yes."
Nang makausap ng GMANetwork.com si Althea, hindi niya mapigilang hindi ngumiti nang kumustahin kung ano ang pakiramdam niya ngayong kumpirmado na ang relasyon nila ni Prince.
"Oo nga, on the spot si Tito Boy! Pero siyempre, 'di ba, para hindi na magkagulo ang mga tao, 'di ba? At least, alam na nila, hindi na sila mag-away sa comment section," natutuwang saad ni Althea.
"Sobra[ng happy], parang may lumabas sa katawan ko, parang ganung feeling. Pero siyempre, nandoon pa rin 'yung pag-iingat 'di ba? Hangga't kaya i-balance ang career at love."
Mapapanood si Althea bilang Alyssa sa pangatlo at huling istory ng youth-anthology series na Sparkle U na pinamagatang "#SoundTrip."
Panoorin ang huling dalawang episode ng "#SoundTrip" tuwing Linggo, 6:15 P.M. sa GMA. Sabay rin itong mapapanood sa GTV, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.