
Isang masayang water adventure ang napanood sa Unang Hirit ngayong Miyerkules (March 16), kasama ang Prima Donnas star na si Althea Ablan.
Sa episode ng morning show ngayong umaga ay bumisita si Althea at ang host na si Suzi Entrata-Abrera sa isang ocean adventure park sa Subic. Dito ay tinuruan ang teen actress ng mga basic tricks upang i-train ang mga dolphin at sea lion.
Sa latest Instagram post ni Althea, ibinahagi niya ang kanyang first close encounter at masayang bonding kasama ang mga dolphin at sea lion.
"Thank you for inviting me @unanghirit. Had so much fun and enjoyed my first close encounter with dolphins and sea lion," caption ni Althea sa kanyang post.
Makikita sa mga video at larawan na ipinost ng aktres ang pagpapakitang gilas ng mga sea creatures habang sila ay naglalaro.
Panoorin ang good vibes na water adventure ni Althea sa Unang Hirit video na ito.
Patuloy na makisaya kasama ang Unang Hirit barkada tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:30 a.m. sa GMA.
Samantala, mapapanood naman si Althea sa Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos Eat Bulaga.
Mas kilalanin naman ang teen actress na si Althea, sa gallery na ito.