GMA Logo Althea Ablan
What's on TV

Althea Ablan, paano pinaghandaan ang lock-in taping ng 'Prima Donnas?'

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 5, 2020 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lumitaw na tila mukha ni Hesus sa pader, likha ng psychological phenomenon na ‘pareidolia,’ ayon sa eksperto
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan


Ilang araw bago magsimula ang 21-day lock-in taping ng 'Prima Donnas,' naghanda na si Althea Ablan ng kanyang babaunin. Anu-ano kaya ang mga ito?

Nagsimula noong isang linggo ang 21-day lock-in taping ng afternoon series na Prima Donnas sa Antipolo, Rizal.

Ilang araw bago ito magsimula, ikinuwento ni Althea Ablan sa GMANetwork.com at ilang piling miyembro ng Kapuso Brigade kung paano niya pinaghandaan ang taping.

Ginagampanan ni Althea ang isa sa mga Donna na si Donna Belle.

Kuwento niya, “Nagre-ready na ako ng food, ng snacks, mga damit ko, and pine-prepare ko na rin si Donna Belle dahil sa tagal ng six months tapos babalik na ulit sa taping, ito na naman si Donna Belle, ang matapang na palaban.”

Aminado naman si Althea na mami-miss niyang kumain kasama ang kanyang buong pamilya.

Aniya, “Dahil ngayong quarantine, at ngayon lang namin nagawa 'yung, sa pagkain, 'yung sabay sabay kami.”

“Kasi noong normal days, mayroong school 'yung mga kapatid ko, may work si daddy, may taping din ako, and si mommy kasama ko. Ngayong quarantine lang din kami nagka-time sa isa't isa.

“Mas open na rin kami sa isa't isa dahil sa quarantine.

“'Yun 'yung mami-miss ko 'pag nag-lock-in kami, sabay sabay kami kumain ng mga kapatid ko.”

Napapanood na ngayon ang catch-up episodes ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Ika-6 na Utos.