
Proud ang Sparkle actress na si Althea Ablan para sa young actor na si Euwenn Mikaell para sa unang seryeng pagbibidahan nito sa GMA, ang Forever Young.
Sa upcoming inspirational drama, gaganap na magkapatid sina Althea at Euwenn bilang Raine at Rambo.
Kuwento ni Althea, masaya at proud siya para kay Euwenn dahil nakikita niya ang sarili noon sa batang aktor.
"Ako po nakikita ko po 'yung sarili ko sa kanya since 11 years old din ako nag-start dito sa GMA. Nakaka-proud s'ya and makikita mo talaga 'yung energy ng bata and matalino s'yang bata," sabi ng aktres.
Samantala, hindi naman maiwasan ni Althea na makaramdam ng pressure para sa bagong serye dahil na rin sa mga bigating aktor na makakasama sa serye. Muli ring makakatrabaho ni Althea sa Forever Young ang batikang aktres na si Eula Valdes.
"Hindi po talaga mawawala ang pressure d'yan. And syempre po working with them po marami na silang mga nagawang projects and may mga awards po especially sina Mr. Michael de Mesa and Ms. Eula Valdes."
Kasalukuyan nang sumasalang sa taping ang cast ng Forever Young sa Bulacan. Kasama rin sa cast sina Nadine Samonte, Alfred Vargas, Rafael Rosell, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.
Ang Forever Young ay iikot sa pambihirang kuwento ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: