
Bukod sa long message sa Instagram, binigyan din ng regalo ni Kapuso tween actress Althea Ablan ang kanyang co-star sa Prima Donnas na si Jillian Ward nang magdiwang siya ng kanyang ika-15 birthday.
Sa latest vlog ni Althea, pinakita niya kung gaano kasaya si Jillian sa kanyang mga regalo.
“Wait ano 'to? Buti hindi ko nahigaan,” saad ni Jillian nang makita ang paper bag na itinago ni Althea sa ilalim ng kanyang unan.
“I love you. Iyak ako wait lang.”
Anu-ano kaya ang ibinigay ni Althea kay Jillian? Panoorin ang kanyang latest vlog:
Bukod kay Althea, binati rin nina Elijah Alejo, Will Ashley, at Jemwell Ventinilla si Jillian.