What's on TV

Althea Ablan, umamin na may pag-asa na maging ka-ibigan si Bruce Roeland?

By Dianne Mariano
Published August 10, 2021 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Authorities, protesters face off in Manila Labor Day demonstration
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan and Elijah Alejo


Alamin ang mga nakakakilig na sagot nina Kapuso stars Althea Alban at Elijah Alejo sa "Mamahalin o Kakaibiganin" segment ng 'The Boobay and Tekla Show.'

Inamin ni Prima Donnas actress Althea Ablan na kakaibiganin daw niya si Kapuso actor Bruce Roeland sa The Boobay and Tekla Show noong Linggo, August 8.

Photo courtesy: The Boobay and Tekla Show (YouLOL)

Sa episode na ito, sumabak sina Althea Ablan at Elijah Alejo sa larong “Mamahalin o Kakaibiganin” kung saan nagpakita sina Boobay at Tekla ng mga larawan ng young Kapuso actors at sasabihin ng dalawang aktres kung may pag-asang mamahalin o kakaibiganin nila ang mga ito.

Nang ipakita ang larawan ni Kapuso actor Bruce Roeland ay kakaibiganin daw ito ni Althea.

Aniya, “Kakaibigganin. Syempre, friends nga muna, 'di ba.”

Tinanong naman ni Boobay kung mayroon ba silang tawagan ng aktor.

“Kami ni Bruce, wala, wala. Secret na yun. 'de joke,” ani Althea.

Kakaibigan naman din ang sagot ni Elijah para sa aktor.

Ipinakita din ang larawan ni Kapuso actor Will Ashley at kakaibiganin daw ito ng Prima Donnas stars.

“Ako, since maliliit pa lang talaga kami, magkasama na kami sa commercial ganyan hanggang ngayon. So, parang kuya kuya ko rin siya.

“Parang always kaming nandito para sa isa't-isa. So, friends,” ani Althea.

Ayon naman kay Elijah, naging kababata din niya ang aktor.

Aniya, “Kababata ko po kasi si Will kaya parang medyo...personally medyo weird po sa akin na parang i-boyfriend ko siya ganun.”

Kinilig naman ang aktres nang ipakita ang larawan ni FLEX host Joaquin Domagoso.

Nang tanungin ni Tekla kung crush ba niya ito, sagot ni Elijah, “Noong una ko pong nakita si JD, na-cute-an ako eh.”

Kakaibiganin naman ang sagot ng dalawang aktres para kay FLEX leader Mavy Legaspi.

Ani Althea, “Magkasama kami sa FLEX, 'di ba and sa FLEX kuya din namin siya eh.

“Kasama ko din 'yan sa baliwan. Palagi ko rin siya kausap kaya kakaibiganin.”

Panoorin at alamin ang nakakakilig na mga sagot nina Althea at Elijah sa video sa itaas.

Kapag hindi naglo-load ang video, maaring panoorin DITO.

Abangan ang susunod na pang mga nakatutuwang kulitan at kasiyahan sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA Network.

Samantala, tingnan muli kung bakit nangunguna sa komedya sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: