GMA Logo Althea Ruedas
Screenshot from Eat Bulaga's Facebook page
What's on TV

Althea Ruedas, itinanghal na 'Little Miss Diva' grand winner ng 'Eat Bulaga'

By Jansen Ramos
Published March 5, 2023 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ruedas


Si Althea Ruedas ng Antipolo City ang itinanghal na panalo sa grand finals ng kiddie talent competition ng 'Eat Bulaga' na 'Little Miss Diva' kahapon, March 4.

Itinanghal na 'Little Miss Diva' grand winner ng Eat Bulaga ang child performer na si Althea Ruedas ng Antipolo City. Naganap ang grand finals ng 'Little Miss Diva' noong Sabado, March 4.

Inawit ni Althea ang "Pangarap Na Bituin" ni Megastar Sharon Cuneta. May sing-and-dance number din siya sa saliw ng kantang "Proud Mary" na pinasikat ng American musical duo na sina Ike and Tina Turner.

Sa walong finalists ng nasabing kiddie talent competition, si Althea ang itinanghal na panalo at nakapag-uwi ng Php 500,000 bilang kanyang cash prize.

Aniya, dalawang taon pa lang siya noong nagsimula siyang kumanta. Mahilig din siyang mag-ukulele, magsulat ng kanta, at magsulat ng kwento.

Panoorin ang winning performance ni Althea sa video na ito:

Marami nang napasikat na child performers ang Eat Bulaga, kabilang na sina Ice Seguerra, Ryzza Mae Dizon, Jillian Ward, Julie Anne San Jose, at Camille Prats.

Ang mga artistang nabanggit ay mga produkto ng talent search for young girls ng noontime show na 'Little Miss Philippines.'

KILALANIN ANG IBA PANG LITTLE MISS PHILIPPINES NOON NA SIKAT NA NGAYON SA GALLERY NA ITO: