
Nagbigay ng payo para sa kalalakihan at kababaihan ang StarStruck alum na si Alvin Aragon sa pinag-uusapan ngayong kontrobersyal na komento ni Quezon City Fourth District Representative Bong Suntay sa It's Showtime host na si Anne Curtis.
Sa kanyang social media accounts, ibinahagi ni Alvin ang video ng isa niyang interview kung saan nagbanggit siya ng katuruan tungkol sa "pagnanasa."
"Ano'ng sabi ni Jesus, 'If you look lustfully at the woman you are already committed adultery in your heart.' Tingnan mo pa lang ang babae na nagnanasa ka parang ginawa mo na 'yung physical act," sabi niya sa interview.
Sa caption ng kanyang post, ani Alvin, "Kahit hindi si Anne ang tinitignan mo ng may pagnanasa may mag-iinit sa loob mo, lalo na kapag nakalabas pa ang cleavage mo at legs."
Kaya payo niya sa mga kalalakihan, "Filipino men protect your wife may 'Sin of lust' kasi."
At sa mga kababaihan, "Filipino women dress modestly to avoid sexual desire. Kasi nga may Sin of lust.”
"Alam nyo mahirap talaga 'yan iwasan. Si Jesus lang ang makakatulong sa 'yo ma-overcome yan. Jesus said: …if your eye causes you to sin, gouge it out and throw it away. It's better to enter eternal life with only one eye than to have two eyes and be thrown into the fire of hell," dagdag niya.
Kasalukuyang umaani ng atensyon sa publiko ang "desire" remark ni Rep. Bong Suntay sa aktres na si Anne Curtis, na nabanggit niya habang may deliberasyon sa House Committee on Justice sa pagdepensa sa sinabi ni Vice President Sara Duterte laban kay President Ferdinand Marcos Jr.
"Alam mo, minsan, nasa Shangri-la ako, nakita ko si Anne Curtis, ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga. Na-imagine ko na lang kung ano ang pwedeng mangyari. Pero, syempre, hanggang imagination na lang 'yon. Hindi naman siguro ako pwedeng kasuhan dahil kung anu-ano 'yong na-imagine ko."
RELATED GALLERY: Celebrities react to Rep. Bong Suntay's remarks on Anne Curtis: