GMA Logo Alvin Aragon
Photo source: Alvin Aragon (FB)
What's Hot

Alvin Aragon, nanawagan sa mga direktor tungkol sa mga eksena ng mga artistang may asawa

By Karen Juliane Crucillo
Published April 30, 2026 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 houses razed in NIA Road fire; QC gov't denies arson
Body of man set on fire in Iloilo
Makiling | Ang Ganti ni Amira

Article Inside Page


Showbiz News

Alvin Aragon


Alvin Aragon sa mga direktor: "Respetuhin n'yo ang buhay asawa."

Matapos masangkot sa iba't-ibang isyu noon, muling naging usap-usapan ang matapang na komento ni Alvin Aragon sa social media.

Sa kanyang Facebook post, nanawagan si Alvin sa mga direktor na magkaroon ng “respeto” sa mga artistang may buhay may-asawa.

"Kayong mga directors, assistant directors, PM's at EP's kasama ka writers. Respetuhin n'yo ang buhay [may] asawa at ang Diyos na lumikha nito," sabi ni Alvin.

Dagdag niya, "Kaya ang isang artista ang daming pa-iba iba ng asawa e. Paano nilagay [n'yo] sa sitwasyon na pwede talagang magtaksil sa asawa."

Para kay Alvin, hindi na raw dapat magkaroon ng leading man o leading lady ang isang artistang may asawa.

"Alisin n'yo na ang [h]alikan, laplapang eksena, hubaran ng damit!" babala ni Alvin.

"'Pag binastos sila sa real world, nagagalit sila, pero kung makahubad naman sila sa films and teleseryes at sa mga posters ay napakawagas!" aniya.

Binigyang-diin din ni Alvin ang kanyang paalala sa writers, producers, at directors na huwag sabihing “art” ang mga ganitong eksena kung ito naman ay kabastusan laban sa Diyos at sa Kanyang nilikha.

"Marriage should be honored by all, and the marriage bed kept pure, for God will judge the adulterer and all the sexually immoral. -Hebrews," sabi ni Alvin sa dulo ng kanyang post.



Kamakailan, nasangkot si Alvin sa iba pang isyu, kabilang ang kanyang komento laban sa LGBTQIA+ community, ang pag-alis ng kanyang asawang si Izzy Trazona sa SexBomb Girls, at ang usapin tungkol sa anak ni Izzy na si Sofia Trazona.

Samantala, kilalanin si Alvin Aragon sa gallery na ito: