
"When God gives you something you don't deserve, that's what He calls grace."
Ito ang sinabi ni Alwyn Uytingco sa isang parte ng kanyang Facebook post ngayong Linggo, October 17.
Sa nasabing post, tinawag ni Alwyn ang dating misis niyang si Jennica Garcia na "habibi" o 'my love' sa salitang Arabic. Dito ay mapagkumbabang ipinahayag ng aktor ang posibilidad na pagbabalikan nila ng aktres matapos maghiwalay. Ang Las Hermanas actress mismo ang nagkumpirma ng masaklap balita sa GMANetwork.com noong May 2021.
"I have to admit, I don't deserve my family. I don't deserve a second chance," sabi ni Alwyn.
"Please don't get me wrong, I will do everything for another chance in this life. And I will fight the good fight to retake my family. Yet I realize that it's impossible to achieve if I rely on my strength alone.
"Without God and His guidance, His grace.. I am with no purpose. And without my wife's boundless patience and love.. I will be lifeless."
Nagpasalamat din ang aktor sa aniya'y ikalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Jennica para bumawi sa kanilang pamilya. May dalawa silang anak na sina Athena Mori and Alessi.
"Thank you, mahal, for not quitting on me. Thank you for letting me continue this life we started together. Thank you for giving me a wonderful gift of 'second chance', and one that I don't deserve at all.
“Just because the past is painful doesn't mean the future will be.
"I will always be your Habibi. Till death do us part. I love you."
Una nang ipinahayag ni Jennica na maaari silang magkabalikan ni Alwyn sa panayam Lhar Santiago sa 24 Oras noong October 14.
Pagbunyag ng aktres, "I am very thankful to Jesus because He heard my prayers, He gave me what I was hoping for--for Alwyn to come back for us. He expressed his desire for family restoration."
Naghiwalay sina Jennica at Alwyn matapos ang pitong taong pagsasama.
Tingnan sa listahang ito ang iba pang celebrity breakups na gumulantang sa publiko ngayong taon: