
Inilahad rin ni Alwyn kung paano bilang asawa si Jennica.
Sinorpresa ni Alwyn Uytingco ng isang mensahe ang kanyang asawa na si Jennica nang ito ay bumisita sa Sarap Diva nitong Sabado (August 13).
LOOK: 'Sarap Diva's' kuwentuhang nanay with Chynna Ortaleza and Jennica Uytingco
"Si Jennica, adik 'yan sa pagiging nanay," pagsisimula ni Alwyn. "Kapag mayroon siyang gustong matutunan, meron siyang gustong mabasang libro, hahanapin namin 'yan tapos tambak nga 'yung libro sa bahay eh. Pero isa-isa niyang tinatapos 'yan. Talagang makikita mo naman na ibang klase 'yung ituturo niya sa'yo na about how to take care of a child the very natural way. Kaya, nakakatuwa kasi ang dami mong puwedeng matutunan sa kanya."
Inilahad rin ni Alwyn kung paano bilang asawa si Jennica.
"Siyempre as my wife, grabe siya magmahal sa akin, grabe mag-alaga. 'Yung pagkain ko rin maingat siya, gusto niya healthy 'yung food namin sa bahay. At the same time 'yung care niya para sa pets namin, nandiyan pa rin."
Sa pagtatapos ng video message, hindi kinalimutan ni Alwyn na bigyang pugay ang asawa sa dedikasyon nito par asa kanilang pamilya.
Aniya, "I just want to honor her for being such a great mom and a loving wife. Thank you for your love, mahal. For your overflowing love for our family, and also for being compassionate sa ibang mga nanay. Ipagpatuloy mo 'yung advocacy mo sa pagtulong sa ibang mga nanay, kailangan nila 'yun. And, I'm really proud of you. I love you."
MORE ON JENNICA GARCIA AND ALWYN UYTINGCO:
Chynna Ortaleza at Jennica Uytingco, aminadong "OA" bilang mommies
Alwyn Uytingco and Jennica Garcia's daughter turns one