
Nagpasalamat sa Diyos si Alyanna Martinez matapos nilang makaligtas sa isang hostage standoff sa Amerika noong Linggo, July 22.
Nangyari ito sa branch ng grocery store na Trader Joe's sa Silver Lake sa Los Angeles, California kung saan sila kasalukuyang nakabase.
Bahagi ni Alyanna sa kanyang Facebook, isang minuto lang ang pagitan noong sila ay umalis ng grocery store bago nagdeklara ng hostage ang suspek na si Gene Atkins. Apatnapu katao ang nasa loob ng Trader Joe's. Isang babae naman ang namatay matapos itong barillin ng suspek.
Kwento niya, "we were there and left exactly 1 MINUTE before this man held hostage around 40 people in the store and open fired killing 1 woman and injured little children! "
"I remember I was messaging my sister Alissa right as we were leaving the parking lot not knowing what was going to happen at the exact same spot right before it happened and I just checked the time stamp and it was at 1:29! This happened at 1:30!!! "
Ayon sa report, hinainan ng $2-million bail ng Los Angeles Police Department ang akusado.