GMA Logo Alyssa Valdez, Ran Takahashi
sources: alyssa_valdez2/IG, volleyball0902/IG
What's on TV

Alyssa Valdez on Meeting Ran Takahashi: He's super nice

By Kristian Eric Javier
Published November 20, 2024 10:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Alyssa Valdez, Ran Takahashi


Pinuri ni Alyssa si Ran sa pagiging nice, good looking, at magaling maglaro ng volleyball.

Usap-usapan ang naging interaksyon ni Phenom of Philippine Volleyball Alyssa Valdez at ni Japanese volleyball player Ran Takahashi. Kamakailan kasi ay nagpa-picture ang dalaga sa international player na siya namang nag-follow sa kaniya sa Instagram.

Nasa Pilipinas si Ran noong June para sa Manila leg ng Volleyball Nations League (VNL) kung saan una silang nagkita at nakapag pa-picture pa si Alyssa sa kaniya. Naging matunog ang kanilang interaksyon nang ibahagi ng Filipina volleyball athlete ang screenshot ng pag-follow ng Japanese player sa kaniya sa Instagram.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 19, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang usap-usapan tungkol kina Alyssa at Ran. Tanong ni Tito Boy, “Ka-text mo raw. Nag-chat? Finollow ka?”

“Yes, Tito Boy. He's super nice also, Tito Boy. He's super good-looking, plays well as well,” sagot ni Alyssa.

Pagpapatuloy pa ng volleyball athlete, “I think one thing kaya din very interactive din 'yung conversation namin was because back then, during that time, Tito Boy, kailangan niyang bumalik kaagad ng Japan and then he wanted to show his love for all the fans kasi hindi niya po natapos 'yung games niya dito sa Manila.”

MAS KILALANIN PA SI RAN TAKAHASHI SA GALLERY NA ITO:

Tinanong rin ni Boy kung meron bang spark sa pagitan nila, bagay na tinawanan lamang ni Alyssa ang tanong.

Isa si Ran sa mga players ng Japanese team na lumahok sa 2024 Paris Olympics noong August kung saan umabot sila sa quarter finals ng kompetisyon. Bumalik rin siya sa Pilipinas sa parehong buwan nang pangalanan naman siya bilang ambassador para sa isang brand.

Samantala, apat na buwanng nagpahinga si Alyssa dahil sa isang knee injury ngunit ayon sa atleta, “Now, I'm back.”