
Matapos madiskubre ng inang si Janice (Katya Santos) ang pagkapit sa patalim ng kanyang anak na si Lily (Claire Castro) sa “Misis International” episode ng bagong Wish Ko Lang, panibagong dagok na naman ang kakaharapin niya at kanyang mga anak sa part 2 nitong “Misis International: The Final Walk” ngayong Sabado, October 2.
Tila hindi matapos-tapos ang mga pagsubok sa buhay ni Janice, na nabansagang “Misis International” hindi dahil siya'y isang beauty queen, kung hindi dahil iba't ibang banyaga ang kanyang inibig at naging ama ng kanyang tatlong anak na babae.
Dahil sa hirap ng kanilang buhay ay napilitang tumira ang mag-iina sa isang museleo sa sementeryo.
At sa pagnanais na makatakas sa kahirapan ang kanilang pamilya, pinasok ni Lily ang pagsasayaw sa bar.
Tila gumuho ang mundo ni Janice nang madiskubre ang pinasok na trabaho ng anak.
Pero hindi rito nagtatapos ang mga pagsubok sa buhay nilang mag-iina.
Isang araw ay nabundol ng sasakyan si Lily at nagkataon ang kanyang banyagang ama pala na si Andrew (Fabio Ide) ang nagmamaneho ng kotse.
Ang muling pagkikita ni Janice (Katya Santos) at ang ama ng anak niyang si Lily (Claire Castro) na si Andrew (Fabio Ide) / Source: Wish Ko Lang
Noong una ay tila maganda ang muling pagtatagpo ng mag-ama at mistulang bumabawi si Andrew sa mga pagkukulang nito sa anak na si Lily.
Pinatira niya sa kanyang magarang bahay sina Janice, Lily, at ang dalawa niyang kapatid (Lexi Fernandez at Beatrice Santos) at binilhan pa ng mga bagong damit.
Si Janice (Katya Santos) at mga anak niya (Beatrice Gomez, Claire Castro and Lexi Fernandez) nang patirahin sa bahay ni Andrew (Fabio Ide) / Source: Wish Ko Lang
'Yun pala ay isa itong patibong dahil balak ni Andrew na isadlak sa prostitusyon ang sariling anak na si Lily at ang mga kapatid nito sa ina.
Si Andrew (Fabio Ide), ibubugaw ang sariling anak na si Lily (Claire Castro) at mga kapatid nito sa ina (Lexi Fernandez at Beatrice Gomez/ Source: Wish Ko Lang
Susubukan ni Janice na pigilan si Andrew sa kanyang masamang balak. Pero magtagumpay kaya siya?
Alamin kung may masayang pagtatapos ba ang kuwento ng mag-iina sa “Misis International: The Final Walk,” kung saan kasama rin sina Pepita Curtis at Katkat Dasalla.
Huwag palalampasin ang bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: