
Isang babae ang kailanma'y hindi nalilimutan ni Alden Richards. 'Yan ang ibinuking ni Richard Faulkerson Sr. o mas kilala bilang si "Daddy Bae," ama ng Kapuso actor.
Maituturing na isang eligible bachelor si Alden.
Ilang taon nang single ang Asia's Multimedia Star dahil mas pinili niyang tutukan ang kanyang career at magpursigi para sa kanyang pamilya at pangarap ng kanyang ina.
Gayunpaman, isang babae ang nananatiling espesyal sa puso ng aktor. Ito'y walang iba kundi ang kanyang Lola Linda, ina ng kanyang ina.
Sa pamamgitan ng isang Instagram post, ibinahagi ni Daddy Bae ang panlalambing ni Alden sa kanyang lola. Kahit busy kasi sa trabaho ang aktor ay niregaluhan niya ang kanyang lola ng mga bulaklak. Kalakip din nito ay isang maiksing pagbati ngayong Araw ng mga Puso.
Sa dating panayam sa lola ni Alden, ikinuwento nitong natural na malambing at maalaga ang kanyang apo.
Kilalanin ang iba pang babae na naging bahagi ng buhay ni Alden sa gallery sa ibaba: