GMA Logo michael roy jornales
Photo by: mykroy IG, GMANetwork.com
What's Hot

Ama ni Heath Jornales, may reaksyon sa CapEath ship

By Kristine Kang
Published January 19, 2026 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP-HPG: Zaldy Co's luxury car has fake license plate
NLEX to increase toll fees starting January 20
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

michael roy jornales


Boto kaya si Michael Roy Jornales kay Caprice Cayetano para sa kanyang anak? Alamin dito:

Patuloy na kinikilig at sinusuportahan ng maraming fans ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ship na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales.

Mula sa simpleng tinginan ng duo hanggang sa pagiging KISLAP Queen and King, hindi mapigilan ng fans ang ngiti at kilig sa dalawa.


Ngunit ano nga ba ang masasabi ng mga magulang ng dalawang housemates?

Sa isang episode ng GMA morning show na Unang Hirit, nagbigay ng reaksyon ang ama ni Heath, ang actor at stunt director na si Michael Roy Jornales.

"Approve ba siya sayo? Okay lang ba sa'yo si Caprice?" tanong ni Lyn Ching sa ama.

Ang sagot ni Michael, "Actually, CapEath fan din kami ng wife ko kasi ang cute nila together. Masayang-masaya si [Heath]. So kung saan siya masaya, masaya din kami."

Ipinahayag din ni Michael kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak, lalo na't nakikita niyang nag-e-enjoy ito sa programa.

"Sobrang proud po ako kasi nakikita ko siya sa TV tapos masaya siya sa ginagawa niya. 'Yun ang pinaka importante na happy siya sa ginagawa niya," aniya.

Binalikan din ng ama ang kanyang pagbisita sa PBB house, kung saan naging emosyonal siya nang mayakap ang anak.

"Yung una kong na-feel, parang gusto ko makipaglaro. Kasi, ganoon kami lagi para kaming magtropa 'yan e," kuwento niya.

"Nagsaya kami. Pero nakalimutan ko kasi-kami nakikita namin siya sa TV, so parang nandooon pa rin. Ang nakalimutan ko is siya hindi kami at all nakikita. So kaya nu'ng pagyakap niya, nagulat din ako umiyak na siya. Naiyak na rin ako."

Nang tanungin kung ano ang mensahe niya para sa anak, simple ngunit makahulugan ang sagot ni Michael: "Never back down and never give up."

Patuloy mapapanood sina Heath Jornales at Caprice Cayetano sa reality show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, weekdays, 9:40 p.m. at weekends 6:15 p.m sa GMA at Kapuso Stream.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.

Kilalanin ang fan-favorite ships sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition