
Bago ikasal sa March, mapapanood muna ang magkasintahang sina Kim Molina at Jerald Napoles sa romantic-comedy movie na Wonderful Nightmare. Ito ay local adaptation ng Korean movie na may parehong titulo.
Sa ginanap ng media conference para sa pelikula noong Martes, February 3, tinanong ng GMANetwork.com sina Kim at Jerald kung ano ang pakiramdam nila ng ginagawa ang pelikula, na huling pagsasama nila bilang mag-boyfriend-girlfriend.
Para kay Jerald, exciting daw dahil tila nagkaroon sila ng preview kung paano ang buhay mag-asawa.
Paliwanag niya, “Ang pakiramdam is ngayon, malalaman na namin kung ano ba yung mga pinagsasabi namin sa pag-role namin mag-asawa. Ito na, ito na. Noon kasi inaaral, e. Tinatanong pa namin sa mga mag-asawa, paano ba yung ganya, nanonood kami ng pelikula.
“Ito ngayon, masasabi namin na, 'Ay, hindi totoo yan. Ang mag-asawa ganito eh.'
Sa tingin ko yun yung pinaka nakaka-excite din. As we mature, our roles also mature, e.”
Katulad ni Jerald, excitement din ang naramdaman ni Kim nang gawin nila ang pelikula.
Pero kung meron daw mas may naramdaman, ito ay ang tatay niya.
Kuwento ni Kim, 'Sabi niya, 'Anong pangalan mo diyan sa credits, Kim Molina? Kasi, kung buo Kimberly with a V, di ko alam kung bakit V yung spelling ng pangalan ko. Pero, yun talaga pangalan ko Kim Molina, e.
“So, yung dad ko, meron siyang, 'So, yan ba yung last ng Molina? Papalitan mo ba yan?' May ganoon si daddy. May ganoon si daddy na, 'So ano yan, Kim Molina pa rin? Kim Molina pa rin, di ba? Lalagyan mo ba ng Napoles? Huwag na.' May ganoon si daddy. May ganoon yung daddy ko na, di ko alam kung joke ba yan or ano.”
Bilang paliwanag, sinabi raw ni Kim sa kanyang ama, “Siyempre po, dad, ang mangyayari dyan, yung real name ko magbabago. Kasi choice ko naman kasi siya. It's actually my choice.
“I posted this on my page. It's true that you have a choice if papalitan mo yung surname mo or not. So, may mga friends ako na hindi na kasi ang hirap with the papers, yung mga passport, apparently, ang hirap ba.
“Pero ako, habang may visa pa akong Kim Molina, Kim Molina pa rin ako na legally. But of course, in time, I would give it to Je. Kasi, sabi niya, 'Kung okay lang sa' yo,' gumanon, e, 'Kung okay lang sa'yo na ibibigay ko sa 'yo yung surname ko.'
'Siyempre pumayag din ako, na pinag-usapan naman namin. But when it comes to my screenname, it's Kim Molina pa rin.”
Related gallery: The many times Jerald Napoles and Kim Molina made us go kilig
Bukod sa pangalan, napag-uusapan na rin ba nina Kim at Jerald ang mga pagbabago pagdating sa pagpili ng proyektong gagawin nila?
Nakuwento kasi ng magkasintahan na minsang naging isyu sa kanilang relasyon ang paggawa ni Jerald noon erotic comedy movie na Kaka (2020), kung saan may intimate scenes siya sa kanyang leading lady na si Sunshine Guimary.
“Instead of parameters, baka mas maluwag na kasi mag-asawa na,” sabi ni Jerald.
Dagdag naman ni Kim, “Ako, yung mga selos-selos ko noon, yung mga kaartehan ko dati, hindi pa ako sure kung papakasalan niya ako, e. So ngayon, e, nagpo-propose nang maganda, mahal niya pala ako, e di, sige na. Hubad ka doon, okay na! Haha!”
Patuloy na paliwanag n Jerald, “As we age, limited na roles na rin. Of course, hindi na natin makukuha yung mga 20s na roles. Yung dating nasa 30s, pasok ka pa sa 20s. Sa 40s, puwede kang mag-prosthetics for 50s. So yun nga, hanggga't maaari i-maximize ang ating career at ang suporta ng mga tao at mga produksyon. Hanggang gusto nila, tanggap lang kami nang tangggap.”
Mapapanood sina Kim at Jerald sa Wonderful Nightmare, na ipalalabas sa mga sinehan simula February 25.