"I was thinking I will not experience this day, which is the worst day of my life." - Amalia Fuentes By CHERRY SUN
Hindi napigilan ni Amalia Fuentes na maglabas ng sama ng loob sa cremation ng kanyang unica hija na si Liezl Martinez.
Ibinahagi ng beteranang aktres sa 24 Oras ang naramdaman niyang pagbabalewala sa kanya at sa asawang si Romeo Vasquez tungkol sa mga plano para sa kanyang pumanaw na anak.
“Alam niyo ba kung bakit ako na-late? Hindi ko alam kung saan gagawin. Sila-sila ang nagdecide, ‘yung mga best friend, ‘yung mga ganun. Ako, where was I? Nowhere. Nobody talked to me, nobody gave me the schedule. Every time people will ask me, I don’t know. I’m just a guest. Ganoon ang ginawa nila sa akin,” panimula ni Amalia.
Bilang isang ina ay pinakamasakit daw na mawalan ng kanyang kaisa-isang anak.
Patuloy niya, “I love her as much as she loves her children. Kaya lang ako hindi naging upset when I found out that she had cancer because I was hoping na mauuna ako. I was thinking I will not experience this day, which is the worst day of my life. “I feel like ako na ang dapat mamatay.”
Inamin din ni Amalia na dumistansya siya kay Liezl simula nang mag-asawa ito.
“For the longest time, I was never a part of their life but I was always there for her. And ‘yung mga pakitang tao, mga publicity na mga picture-taking na mga sweet, hindi ‘yan totoo. It is in the heart,” saad nito.
Gayunpaman ay nakausap daw niya ang kanyang anak bago ito pumanaw.
Aniya, “The last time I talked to her, she was all alone in her bedroom and she was crying. She was alone for heaven’s sake. Her children, Alyssa was in school. Albert was taping. She was left alone and I was there for her. And this host of whatever place this is failed to mention the most important person in her life, si mommy, her father and me.”
Naging maiksi naman ang naging pahayag ni Romeo tungkol sa pangyayari.
Wika niya, “Hindi naman natin controlled ang ano, you know. Nagalit, nagwala si Amalia. I can’t blame her, she’s the mother. Maraming salamat sa inyong nakiramay. Thank you very much.”
Alas dose ng tanghali kahapon ay ginanap ang huling misa bago i-cremate ang mga labi ni Liezl sa Arlington crematorium. Dinaluhan ito ng ilang sikat na personalidad na kasabayan niya sa industriya tulad nina Charlene Gonzales, Aga Mulach, Yayo Aguila, Pops Fernandez, at Dolly Anne Carvajal.
Pagsapit ng 3:30 PM ay nakita namang lumabas ang anak ni Liezl na si Alyanna na may dalang urn kasunod ang kanyang mga kapatid na sina Alfonso at Alyssa at kanilang ama na si Albert Martinez.
Hindi na nagpaunlak ng interview ang naulilang pamilya ni Liezl.