GMA Logo Amanda Page
What's Hot

Amanda Page, bakit pinasok ang sexy films kahit well off ang kanyang pamilya?

By Aedrianne Acar
Published September 4, 2020 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Amanda Page


Special guest sa 'OO NA! with Oscar Oida' ang dating Pantasya ng Bayan na si Amanda Page.

Wala pa ring kupas ang ganda at charisma ng dating sexy star na si Amanda Page nang makapanayam ng GMA News reporter na si Oscar Oida sa 'OO NA!' sa Facebook.

Screenshots taken from OO NA with Oscar Oida and Kapuso Mo Jessica Soho

Sa panayam ni Oscar, binalikan nila ni Amanda ang career niya bilang isang sexy star.

Dito naikuwento niya kung bakit niya naisipang pasukin ang paggawa ng sexy films kahit well off ang kanilang pamilya.

Nabanggit ni Amanda Page sa interview na isang doktor ang kanyang ama.

“Kasi nung time na 'yun, medyo strict 'yung parents ko. Siyempre lumaki ako sa States pero 'yung upbringing ko kahit nasa States ako Pilipino talaga 'yung mga magulang ko,” saad ng dating cast member ng award-winning gag show na Bubble Gang.

Dagdag niya, “So, para sa akin noong lumipat ako to Manila that was the time na gusto ko maging independent. 'Yung tatay ko medyo may pera, dahil he was a physician and surgeon, pero parang feeling ko I wanted to find my own way, e.

“Noong na-discover ako noong time na 'yun I guess para sa mukha ko, para sa hitsura ko 'yung mga sexy films lang ang ino-offer sa akin.

"I believe that everybody has to start in the bottom and work their way up. So noong time na 'yun ino-offer ang mga more daring roles, tinanggap ko, kasi sino na naman ako?

“Bago lang akong artista para tanggihan ko 'yung role, parang iisipin ng tao na medyo prima donna ako.

“Everybody has to start from somewhere, so doon ako pumasok sa mga ST (sexy films).”

Sinabi din ni Amanda na hindi naman talaga niya hinangad na pasukin ang showbiz noon, pero na-realize niya na hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na maging artista.

“Hindi naman. Para sa akin it kinda happen by accident.

“Pero naintindihan ko na not a lot of people get that opportunity, so parang feeling ko noon hindi ako talaga o hilig ko noon mag-artista pero parang I couldn't pass up the opportunity.”

Isinalarawan din niya na pagrerebelde din ang naging desisyon niya na mag-artista, dahil pakiramdam niya ay hindi siya nabigyan ng choice kung ano ang gusto niyang gawin habang lumalaki siya.

Paliwanag ni Amanda, “Noong time na 'yun kasi pre-med ako sa college, so parang feeling ko buong buhay ko nag-aaral ako. I wanted to change, I wanted to be different, I wanted to parang liberate myself.

“Kasi you know siyempre, Filipino parents medyo 'You're gonna be a doctor, you have no other choice. If you are not a doctor, don't go to school.'”

Max Collins, Toni Gonzaga, Aiko Melendez and other actresses who developed their comedic chops in 'Bubble Gang'

#BubbleLegacy: Male stars na hinubog ng 'Bubble Gang' sa pagpapatawa