GMA Logo Amanda Page
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Amanda Page, may paalala tungkol sa depression: 'They should take it seriously'

By Kristian Eric Javier
Published November 22, 2025 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NASA's Moon flyby mission primed for launch
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Amanda Page


Nagbigay paalala si Amanda Page tungkol sa tumataas na kaso ng depression.

Aminado sina King of Talk Boy Abunda at dating aktres na si Amanda Page na mas sineseryoso na ngayon ang isyu ng mental health kumpara noong nagsisimula pa lang ang aktres noong '90s. Sa katunayan, nakakuha ito ng malaking atensyon at mas pinagtutuunan ng pansin ng mga tao.

Sa pagbisita ng '90s most iconic sexy star sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, November 21, idiniin ni Amanda na dapat naman talagang seryosohin ang mental health. Pagbabahagi niya, may mga pagkakataon na hindi man severe, ngunit may mental health issue ang isang tao.

“Sometimes, people think that they're only depressed when they're severely depressed. But a large part of the population is walking around, maybe mildly depressed or somewhat depressed. But because they think they're functioning, they don't actually recognize that they have some sort of mild depression,” sabi ni Amanda.

Wika pa niya, maaaring anhedonia, o kawalan ng ligaya sa paggawa ng mga bagay na dating nagpapaligaya sa kanila ang nararamdaman ng isang tao.

“Psychiatry has gotten more advanced these days, and I appreciate the work we do because we can help people live their best lives,” sabi ni Amanda.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA NAG-OPEN UP TUNGKOL SA KANILANG PINAGDAANAN NA MENTAL HEALTH ISSUES SA GALLERY NA ITO:

Ang asawa ni Amanda na si Lee Mendiola ay isang psychiatrist na dalubhasa sa pagtulong sa mga may depression. Sa Amerika, may clinic sila kung saan sinusubukan nilang gamutin ang ilang indibidwal na nakakaranas ng depression.

Sa katunayan, pag-amin ni Amanda, marami silang naging pasyente noong nagsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020.

“Well, I think sa mental health, it's safe to say na marami talagang pasyente in total, always,” pagbabahagi ng dating aktres.

Panoorin ang panayam kay Amanda dito: