
Nagsimula na ang panlilinlang sa pilot episode ng bagong K-drama thriller sa GMA Telebabad na Queen of Masks.
Sa unang episode ng South Korean series na ipinalabas noong Lunes, November 27, ipinakilala ang magkakaibigang Jaclyn, Amara, Devon, at Demi.
Ang tatlo ay dumalo sa bridal shower ng kaibigan nilang si Devon.
Ang masayang pagtitipon, nabalot ng pagdududa nang malaman ni Jaclyn ang sikreto ng fiance ni Devon na si Dion.
Bilang kaibigan, nais balaan ni Jaclyn si Devon tungkol sa ginagawa ng mapapangasawa nito pero pinigilan siya ni Amara para hindi masira ang masayang mood ni Devon.
Lalong nawalan ng chance si Jaclyn na sabihin ang totoo nang malaman nilang buntis si Devon sa anak nila ni Dion.
Ang pagdududa ay nauwi sa misteryo nang matagpuang patay si Dion sa kwarto nito.
Kinuwestiyon ang mga dumalo sa bridal shower, kabilang na ang apat na magkakaibigan.
Pero sa huli, bigla na lang nadiin si Amara sa pagpatay kay Dion.
Mapawalang-sala kaya si Amara? At ano ang gagawin ng kanyang mga kaibigan para malinis ang pangalan niya?
Subaybayan sa Queen of Masks weeknights, 10:20 p.m. pagkatapos ng Lovers & Liars sa GMA Telebabad.