
Reunited sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at actress at acting coach Ana Feleo sa star-studded na GMA Thanksgiving Gala, na ginanap kagabi, July 30, sa Shangri-La The Fort.
Parehong busy ang longtime friends na sina Marian at Ana kaya bihira silang magkita.
Kung wala sa New York, abala sa pagtuturo sa acting workshops si Ana. Abala naman si Marian sa mga kanyang pamilya at iba't ibang showbiz commitments kabilang na ang weekend comedy show nila ni Dingdong Dantes, ang Jose and Maria's Bonggang Villa.
Ibinahagi ni Ana ang selfies nilang dalawa nila ni Marian na kuha sa gala.
"Amaya-Bayang Carmela-Nida Minea-Ades Marian-Ana Te quiero siempre @marianrivera #gmagalanight," sulat ni Ana sa kanyang post.
"Love you!" simpleng sagot naman ni Marian sa comments.
She also posted a smiling photo of Ana on her Instagram story.
Ang GMA Thanksgiving Gala ay nagsilbing isang fundraising event para sa GMA Kapuso Foundation.
SILIPIN ANG IBA'T IBANG ARTISTA DUMALO SA GMA THANKSGIVING GALA SA GALLERY NA ITO: