
Friday-mazing night with Cheovy Walter and MJ Encabo ang mapanonood sa Amazing Earth.
Ngayong Biyernes, October 24, makakasama sa Pampanga adventure ng Amazing Earth ang Sparkle artists and content creators na sina Cheovy at MJ para sa amazing kilig race.
Saksihan ang kanilang pagharap sa challenges sa thrilling extreme rides. Mayroon pang tawanan, heart-pounding action, at playful “kilig” moments na aabangan ngayong araw.
Makakasama rin sa Amazing Earth ang free diving coach na si Abel Cruz a.k.a. Coach Pilyo para ipasilip ang stunning marine biodiversity sa Mabini, Batangas.
Abangan pa ang brand-new wildlife documentary series na Wild Survivors: Animal Appetite sa mga inihandang "Kuwentong Amazing" ni Dingdong Dantes ngayong Biyernes.
Abangan ang episode na ito sa Amazing Earth ngayong Biyernes, October 24, 9:35 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA 'AMAZING EARTH':