GMA Logo Amazing Earth
Photo source: Amazing Earth
What's on TV

'Amazing Earth' 4th anniversary episode, panalo sa ratings

By Maine Aquino
Published July 13, 2022 12:58 PM PHT
Updated July 13, 2022 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth


Tinutukan ng mga manonood ang first part ng amazing month-long 4th anniversary special ng 'Amazing Earth.'

Unang bahagi pa lamang ng ating espesyal na fourth anniversary ng Amazing Earth ay ramdam na agad ang pagmamahal ng ating mga Kapuso viewers.

Marami ang naki-celebrate sa anibersaryo ng infotainment show ni Dingdong Dantes na Amazing Earth.

Noong June 5, nakakuha ng 6.8% rating ang episode ng Amazing Earth, ayon sa NUTAM People Ratings.

Sa episode na ito ay nakasama ni Dingdong ang Kapuso star na si Glaiza De Castro para ibahagi ang kanyang buhay sa Baler at ipakita ang kanyang Zumba skills kasama ang mga Zumba enthusiasts sa Luneta Park.

Photo source: Amazing Earth

A post shared by Amazing Earth Ph (@amazingearthph)

Napanood rin sa espesyal na episode na ito ang emerging YouTuber and content creator na si Spartacus 'Spart' Farnacio sa kanyang buwis-buhay adventure sa El Fraile, isang abandoned battleship sa Manila Bay.

Isa rin sa tinutukan sa amazing anniversary episode ng Amazing Earth ang kuwento ni Dingdong tungkol sa Yellowstone National Park. Ang 'Epic Yellowstone: Return of the Predators' ay ang nature-documentary mula sa Smithsonian Channel originally narrated by actor Bill Pullman.

Abangan ang susunod na bahagi ng fourth anniversary special ng Amazing Earth ngayong July 17, 5:20 p.m. sa GMA Network.

SAMANTALA, BALIKAN NATIN ANG EXCITING ADVENTURES NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH SA GALLERY NA ITO: