
Ipinakita ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth ang ilang kuwentong puno ng katatakutan nitong October 23.
Sa episode na ito, napanood ang istorya ni Rhiko Loko at ang kanyang karanasan sa pag-explore ng ilang abandonadong lugar.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Tampok rito ang isang ospital sa Subic, Zambales, isang hotel sa Nasugbu, Batangas, at ang kanyang naging karanasan sa paglibot sa Sto. Tomas train station sa Pampanga.
Abangan ang iba pang amazing kuwento na hatid ng Amazing Earth tuwing Linggo sa GMA Network.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang Kapuso programs sa GMANetwork.com o GMA Network app.